Ang buhay ng isang tao ay 'di nagtatagal Pilitin man ng panaho'y hindi bumabagal At kahit pa ano'ng gawin puso'y tumatanda Kaya't hanggang maaga pa'y tanggapin mo na
Ikaw ang magsasabi kung saan ka pupunta Sana ngayon pa lamang ay isipin mo na (panahon)
Panahon (panahon) Panahon
Araw ay magdaraan sa 'ting mga buhay Tulad ng buhangin lulusot sa 'yong kamay Hawakan mang mabuti ang agos ay tutuloy Tulad ng dugo ito ay dadaloy
Kaya't 'wag sasayangin ang iyong tinataglay Tanganan mong mabuti ang takbo ng 'yong buhay (panahon)
Panahon (panahon) Panahon
Hindi mababalik ang kahapon At ang buhay ay 'di pang-habang-panahon
Ang buhay ng isang tao ay 'di nagtatagal Pilitin man ng panaho'y hindi bumabagal At kahit pa ano'ng gawin puso'y tumatanda Kaya't hanggang maaga pa'y tanggapin mo na (panahon)
Panahon (panahon) Panahon (panahon) Panahon (panahon) Panahon