Binabalikan ang lahat ng mga alaalang 'di mabura Tila 'di maintindihan kung ba't mauuwi na lang sa wala Bakit kailangan ay biglaan ang pagsuko sa 'tin ng tadhana Tanging tanong ko lang naman ay bakit 'di ka muna naghintay
Kahit sandali makapiling ka Sa 'king panaginip makasama ka Bago pa 'ko magising
Gusto ko lang sabihing Nagsisisi Ako'y nagkamali Mayakap kang muli 'Di maaari
Ngayon ay wala nang init 'Di na muling masisilip Ang ngiti sa 'yong tingin Kahit pa ilang hiling 'Di mababawi
Oh, oh Kahit sandali makapiling ka Sa 'king panaginip makasama ka Bago pa 'ko magising Gusto ko lang sabihing Patawad at ako'y nagkamali
Paalam hanggang sa muli Balang araw ay kakayanin ko ring Pumikit huminga sumigaw bumitaw Ooh-ooh, ooh
Kahit sandali makapiling ka Sa 'king panaginip makasama ka Bago pa 'ko magising Gusto ko lang sabihing
Kahit sandali makapiling ka Sa 'king panaginip makasama ka Bago pa 'ko magising (magising) Gusto ko lang sabihing Nagsisisi Ako'y nagkamali Mayakap kang muli 'Di maaari