- cifra   
  
      
   May isang umaga na tayo'y magsasama
 
 Haya at halina sa alapaap
 
 O anong sarap
 
  
  Hanggang sa dulo ng mundo
 
 Hanggang maubos ang ubo
 
 Hanggang gumulong ang luha
 
 Hanggang mahulog ang tala
  
 
 Masdan mo ang aking mata
 
 Di mo ba nakikita
 
 Ako ngayo'y lumilipad at nasa langit na
 
 Gusto mo ba'ng sumama?
  
 
 Hindi mo na kailangan ang magtago't mahiya
 
 Hindi mo na kailangan ang humanap ng iba
  
 
 Kalimutan lang muna
 
 Ang lahat ng problema
 
 Huminga ka ng malalim at tayo'y lalarga na
 
 Handa na ba'ng gumala?
  
 
 Ang daming bawal sa mundo
 
 Sinasakal nila tayo
 
 Buksan ang puso at isipan
 
 Paliparin ang kamalayan
  
 
 Masdan mo ang aking mata
 
 Di mo ba nakikita
 
 Ako ngayo'y lumilipad at nasa alapaap na
 
 Gusto mo ba'ng sumama?