Minsan puso'y nagtatanong umaasa
Nag-iisip kung bukas nga'y tayo pang dalawa
Hiling ko lang sa may kapal
Sana ay ipaalam
Baka bukas ako'y lisanin nalang
Puso'y nangungusap
Aking pakiusap,ayaw nang lumuha
Ngunit sa pag-ibig, hindi mo malaman
Tadhana ba'y tama
Kaya't sana bukas, kung di man tayo
Wag kalimutan
Na kahit minsan
Ako'y inibig mo
Sapat na..
Sapat na.. ang minsan