'Di ba't ang tao nang isilang Siya'y walang bahid ng kasalanan? Wala ni saplot ang kanyang katawan Walang 'sing gandang pagmasdan
At siya'y lumaki at nagbago Natutong kasalana'y maitago Naging 'di tapat maging sa kanyang puso Naging talusira sa pagsuyo
Tao, lumakad ka Lumakad kang hubad sa mundong ibabaw Ang pagkakasala, bayaang mabilad sa init ng araw Ikaw ay humingi at 'di Siya hihindi Ika'y patatawarin Ika'y tao lamang din Mahina, matuksuhin
Ako'y isang tao ring nagkasala Nalihis sa landas ng pag-asa Ipaubaya ninyo na lumakad din ako Na isang hubad sa mundo