Minsan tayo'y biglang nagsama Kailan? Hindi ko maalala Basta't alam ko lang noon ay tawa ka ng tawa Sa jokes kong sobrang corny at mas luma pa kay lola
Nasan ka na kaya? Magpakita ka naman sana Bakit kaya biglaan ka na lamang nawala? Kay tagal ko nang naghihintay sayo, hindi pa rin sumuko Di ko man lang nalaman ang pangalan mo
Sabi nila, wag na daw akong aasa pa Na magbalik ka pa kung san tayo huling nagkita Biglaan ka na lang tumawa ng tumawa Sa jokes kong sobrang corny at mas luma pa kay lola
Nanjan ka lang pala, bakit di ka man lang nagsasalita? Akala ko'y tuluyan ka na lamang nawala Kay tagal ko nang naghihintay sayo, ano'ng pangalan mo? Sana'y palagi ka na lamang dyan sa tabi ko