Tanggap ko na tayong lahat ay magwawatak May oras ang tampo, luha, at pagkagalak Nagsimulang nangangapa nang nakayapak Magkakasamang hinarap ang mga lubak
Huwag matakot magkamali Lahat ay nagsisisi Damdamin ang sandali Namnamin mga saglit
Lilipad sa hangin 'Di na iisipin Kakalimutan natin Ang mga hinanakit
Parang kahapon lang no'ng tayo'y magkasama 'Di namalayan tayong apat ay tumatanda Ngunit ngayon tatanggapin na tayo ay magkakaiba Alaala nga na lang kung sino ang mabaho ang paa
Katotohanan na mapait Lilingon nang may hapdi
Lilipad sa hangin 'Di na iisipin Kakalimutan natin Ang mga hinanakit Walang mga pangalan Ngayong kasalukuyan Ito ang kapalaran Nating magkakapatid
Nakakapagtaka (Nakakapagtaka) Nakakasawa (Nakakapagtaka) Nakakasawa na (Nakakapagtaka) Pigang piga na (Nakakapagtaka) Pigang piga na ako (Nakakapagtaka) Dere-deretso Deretso
Lilipad sa hangin 'Di na babawiin Retrato'y iipunin Hanggang sa mailibing Lahat ay may hangganan Sa pagkakaibigan Dapat matutunan May wakas ang sandali Nakaraang ikukubli