Limang daang mukha’ng nakita Gulong-gulo Naghahanap ng bagong storya Buryong-buryo Dalawang mata’y pinapakita Basang-basa Sa isip lang nagkakagera Namumutla
Pa'no ba iwasan Ang mga nararamdaman? Sarili ang kalaban Sino ba'ng nakakaalam? Samahan niyo na lang ako Sa mundong aking binuo ‘Di mo kailangan Baguhin ang sarili Sumama sa ating samahan
Baril ba ang makakatalo Sa labang ‘to? Ngumingiti at nanglalason Patalikod Sinasakal ang mga balat Nabibingi ang mga bulag Nililibing na kaming lahat Sawang-sawa sa mga salita
Pa'no ba iwasan Ang mga nararamdaman? Sarili ang kalaban Sino ba'ng nakakaalam? Samahan niyo na lang ako Sa mundong aking binuo ‘Di mo kailangan Baguhin ang sarili Sumama sa ating samahan
Babalik pa kaya Ang buhay na nawala Makakasama pa ba kita? Babalik pa kaya Ang buhay na nawala Makakasama pa ba kita?