Nasaan na ba kayo? Mag-isang tumatakbo Kay tagal ‘di nagkita Puso niyong nawawala Sino ba naman ako Para balikan ninyo? Kaibigang nawala Dahan-dahang umalsa
Bakit kaya Ayaw ng lahat sa’kin? Ramdam ko na Ako’y iiwanan ng lahat
Dapat ko bang tanggapin Mag-isang ililibing? Kahit may dalang bituin ‘Di ka niyan papansinin Sabi ng kalangitan Habang-buhay kang ganiyan Iiwanan ka nila Kahit na maayos ka
Bakit kaya Ayaw ng lahat sa’kin? Ramdam ko na Ako’y iiwanan ng lahat
('Tinataboy ka na nila) (Wala ka nang makapitan) ('Tinataboy ka na nila) (Wala ka nang makapitan)
Ang dami kong gustong itanong Ang dami kong gustong sabihin Pero 'di ko masabi, 'di ko masabi sa inyo Parang ang layo-layo niyo na 'Di ko kayo maintindihan Lalong lalo, 'di niyo 'ko naiintindihan Paalam