Makisilong ang isang sawi Ang dasal ay tulungan Itong pusong nagkamali At walang masilungan Sa silong ng paglingap mo Nagtago ang pag-ibig Pakisilong ng hirap ko Sa lupit ng daigdig
Buksan mo ang pinto ng puso mo Sa isang kubling sulok nito Makikitago rin ako At ang pag-ibig na pinagkait Marahil do'n makakamit Sa puso mong sa wari kay bait
Makisilong itong sawi Sa payong ng pangarap Mabawasan kahit kaunti Ang aking paghihirap Makisilong na ring sabay Sa payong ng paglimot Ilahad mo ang iyong kamay Upang aking maabot
Buksan mo ang pinto ng puso mo Sa isang kubling sulok nito Makikitago lang ako At ang pag-ibig na pinagkait Marahil do'n makakamit Sa puso mong sa wari kay bait At buksan mo ang pinto ng puso mo Sa isang kubling sulok nito Makikitago lang ako, oh Buksan mo ang pinto ng puso mo Sa isang kubling sulok nito Makikitago lang ako