Sakaling paggising Malimutan Ka Sa puso'y may guhit Ng iyong mukha
At kung kailangang Ngayo'y magpaalam Sana'y bukas nasa piling ko'y ikaw
Mawalay man sa aking isip Puso ko ay iibigin ka Hanggang sa walang hanggan Ang langit man sati'y pawiin Puso'y uulit-ulitin pa Ang pangako mong pag-ibig Nating dalawa
Sakaling ang isip Malimutan ka Sa puso'y may ukit Ng iyong mukha
At kung isang araw Tayo'y magpaalam Habang buhay Nasa puso ko'y ikaw
Mawalay man sa aking isip Puso ko ay iibigin ka Hanggang sa walang hanggan Ang langit man sati'y pawiin Puso'y uulit-ulitin pa Ang pangako mong pag-ibig sinta
Kahit pa ika'y malimutan Sa 'king puso ay iibigin ka