Nag-iisa at hindi mapakali Ibang-iba pala pag wala ka sa aking tabi Pinipilit kong limutin ka Ngunit di magawa Sa bawat kong galaw Ay laging hanap ka
Nag-iisa ang isang kagaya mo Na nagmahal at nagtiyaga Sa isang katulad ko Bakit nga ba di ko man lang nabigyan ng halaga Nagsisisi ngayong wala ka na
Refrain: Kulang ako kung wala ka Di ako mabubuo kung di kita kasama Nasanay na ako na lagi kang nariyan Di ko kayang mag-isa Puso ay pagbigyan Kulang ako, kulang ako kung wala ka
Nag-iisa sa bawat sandali At tila ba biglang nahati ang aking daigdig Umaasa na sana'y maging tayong dalawa muli Sa puso ko'y wala kang kapalit