Iyong ihandog ang buhay at puso
 
 Sa bawat tao sa ibabaw ng mundo
 
 Pangalagaan ang katahimikan
 
 At ialay mo ang kadakilaan
 
 Higit sa lahat ay tao
 
  
  
  Ito'y dulutan ng kasaganahan
 
 Ito'y handugan ng kaligayahan
 
 Gawing matatag ang iyong kalooban
 
 Bigyang liwanag ang bawat isipan
 
 Higit sa lahat ay tao