Inday ng buhay ko, ikaw ay nasaan
 
 Bigla kang nagtampo, ano ang dahilan
 
 Dagling inulila ang puso kong nalulumbay
 
 Taghoy ko araw-araw, ikaw, ikaw Inday
 
  
  
  Larawan mo, Inday, hinahagkan-hagkan
 
 Kinakausap ko, luha'y bumubukal
 
 Saan ka ngayon, ikaw ay matatagpuan
 
 Kapag 'di ka nakita, ako'y mamamatay
  
  
  
 
 Saan kaya ngayon ikaw ay matatagpuan
 
 Kapag 'di ka nakita, ako'y mamamatay