Sa lumang simbahan, aking napagmasdan
 
 Dalaga't binata ay nagsusumpaan
 
 Sila'y nakaluhod sa harap ng altar
 
 Sa tig-isang kamay, may hawak na punyal
 
  
  
  Kung ako'y patay na, ang hiling ko lamang
 
 Dalawin mo, giliw, ang ulilang libing
 
 At kung maririnig mo ang taghoy at daing
 
 Yao'y panghimakas ng sumpaan natin
  
  
 
 CHORUS
 
 At kung maririnig mo ang tugtog ng kampana
 
 Sa lumang simbahan, dumalaw ka lamang
 
 Lumuhod ka, giliw, sa harap ng altar
 
 At iyong idalangin ang naglahong giliw