1. 1

    Gloc 9 - Sirena

  2. 2

    Gloc 9 - Baon

  3. 3

    Gloc 9 - Upuan

  4. 4

    Gloc 9 - Akin Lang Naman (feat. G-Dawg)

  5. 5

    Gloc 9 - Ako Si

  6. 6

    Gloc 9 - Alalay Ng Hari

  7. 7

    Gloc 9 - Alay Ko

  8. 8

    Gloc 9 - Apatnapungbara

  9. 9

    Gloc 9 - Atik Laham

  10. 10

    Gloc 9 - Ayoko Na

  11. 11

    Gloc 9 - B.I.

  12. 12

    Gloc 9 - Bagsakan

  13. 13

    Gloc 9 - Bahala Na

  14. 14

    Gloc 9 - Bakit?

  15. 15

    Gloc 9 - Balak Ni Syke

  16. 16

    Gloc 9 - Balita

  17. 17

    Gloc 9 - Bayad Ko (ft. Noel Cabangon)

  18. 18

    Gloc 9 - Bituwin

  19. 19

    Gloc 9 - Biyahe Ni Syke

  20. 20

    Gloc 9 - Blues Niyang Itim

  21. 21

    Gloc 9 - Bugtong (ft. Yeng Constantino)

  22. 22

    Gloc 9 - Buti Na Lang

  23. 23

    Gloc 9 - D Intro

  24. 24

    Gloc 9 - Demo Tape

  25. 25

    Gloc 9 - Diploma

  26. 26

    Gloc 9 - Elmer

  27. 27

    Gloc 9 - Excuse Me Po

  28. 28

    Gloc 9 - Get To Know You

  29. 29

    Gloc 9 - Gusto Ko

  30. 30

    Gloc 9 - Hari Ng Tondo

  31. 31

    Gloc 9 - Hinahanap Ng Puso

  32. 32

    Gloc 9 - Hindi Mo Nadinig

  33. 33

    Gloc 9 - Hindi Sapat

  34. 34

    Gloc 9 - Huminahon Ka

  35. 35

    Gloc 9 - Inday

  36. 36

    Gloc 9 - Ipagpatawad Mo

  37. 37

    Gloc 9 - Ipagpatawad Mo lyrics

  38. 38

    Gloc 9 - Isang Araw

  39. 39

    Gloc 9 - Itak Ni Andres

  40. 40

    Gloc 9 - Jologs

  41. 41

    Gloc 9 - Kaibigan Ko

  42. 42

    Gloc 9 - Katulad Ng Iba

  43. 43

    Gloc 9 - Kayo

  44. 44

    Gloc 9 - Kislap

  45. 45

    Gloc 9 - KMT

  46. 46

    Gloc 9 - Koro

  47. 47

    Gloc 9 - Kung Tama Siya

  48. 48

    Gloc 9 - Kunwari (ft. Biboy Garcia)

  49. 49

    Gloc 9 - Kuwento Mo

  50. 50

    Gloc 9 - Laklak

  51. 51

    Gloc 9 - Lando

  52. 52

    Gloc 9 - Lapis At Papel

  53. 53

    Gloc 9 - Libag

  54. 54

    Gloc 9 - Limang Kanta Lang

  55. 55

    Gloc 9 - Liwanag

  56. 56

    Gloc 9 - Love Na Lov

  57. 57

    Gloc 9 - Love Story Ko

  58. 58

    Gloc 9 - Magda (ft. Rico Branco)

  59. 59

    Gloc 9 - Maggi Sinigang Sa Miso

  60. 60

    Gloc 9 - Malakas (Interlude) (ft. Chito Miranda)

  61. 61

    Gloc 9 - Martilyo

  62. 62

    Gloc 9 - Masama Yan

  63. 63

    Gloc 9 - Nag-iisang Mundo

  64. 64

    Gloc 9 - Nginig

  65. 65

    Gloc 9 - Okay Ako

  66. 66

    Gloc 9 - Panaginip

  67. 67

    Gloc 9 - Pangarap

  68. 68

    Gloc 9 - Pano Kaya?

  69. 69

    Gloc 9 - Pasakalye Ng Pangarap

  70. 70

    Gloc 9 - Pison

  71. 71

    Gloc 9 - Rap Ka Nga

  72. 72

    Gloc 9 - Salarin

  73. 73

    Gloc 9 - Salbahe

  74. 74

    Gloc 9 - Sayang

  75. 75

    Gloc 9 - Si Raul

  76. 76

    Gloc 9 - Siga

  77. 77

    Gloc 9 - Sikat Na Si Pepe

  78. 78

    Gloc 9 - Silup

  79. 79

    Gloc 9 - Simpleng Tao

  80. 80

    Gloc 9 - Sino (Interlude)

  81. 81

    Gloc 9 - Slick N Sly

  82. 82

    Gloc 9 - Sulat

  83. 83

    Gloc 9 - Sumayaw Ka

  84. 84

    Gloc 9 - Tadhana

  85. 85

    Gloc 9 - Takip Silim

  86. 86

    Gloc 9 - Talumpati

  87. 87

    Gloc 9 - Tao (ft. Cookie Chua)

  88. 88

    Gloc 9 - Thankful (ft. Maychelle Baay)

  89. 89

    Gloc 9 - The Bobo Song

  90. 90

    Gloc 9 - Tinta

  91. 91

    Gloc 9 - Tissue

  92. 92

    Gloc 9 - Torpedo

  93. 93

    Gloc 9 - Tsinelas Sa Putikan (ft. Marc Abaya)

  94. 94

    Gloc 9 - Tula

  95. 95

    Gloc 9 - Usap Tayo

  96. 96

    Gloc 9 - Walang Natira

Atik Laham

Gloc 9

Kung maibabalik ko lang ang takbo ng panahon
Kung ang matatanaw ko ay ang hinaharap sa paglingon
Kung maibabalik ko lang ang takbo ng panahon
Sasabihin ko na minamahal kita
Nahukay ang pantay na lupa
Nagalisan ang mga tao
Tumigil ang iyakan na di kailangan ng kabaong
At mga ilaw na may sindi kahit tanghaling tapat
Talulot ng mga bulaklak sa sahig kalat kalat

Sinoli sa funeraria ang hiniram na bentilador
Sinabing di na namin kailangan ng embalsamador
Tumigil ang pagdurugo naghilom ang mga sugat
Ang mga nayuping bakal ay dahan dahang naunat
Walang naulat na nasawi o kahit nasaktan
Lumabas sa ospital na saki'y pinagdalhan
At sa loob ng sasakyan sa kalsada'y walang sagabal
Ang dating mabilis na takbo ng kotse'y bumagal

Alam ko ako'y galit bakit ngayon ay huminahon
Pilit kong tinatandaan anong nangyari kahapon
Dumating ako sa amin walang tao sa labas
Nang biglang ang nakasarang pintuan ay bumukas
Kung maibabalik ko lang ang takbo ng panahon
Kung ang matatanaw ko ay ang hinaharap sa paglingon
Kung maibabalik ko lang ang takbo ng panahon
Sasabihin ko na minamahal kita

Pumasok sa loob ng bahay ngunit bakit ang tahimik
Iba ang pakiramdam parang ako'y nananaginip
Nang aking nakita kinilabutan ako'y napapikit
Umiikot ang segundo sa relo ng pabalik
Lumapit ang aking anak kumapit sa aking kamay
At sinabi sakin buti bumalik ka itay
Kawawa naman si inay nasa kwarto walang kasama
Lumakad at pinuntahan ko ang aking asawa

Nakalupagi sa sahig matay namumugto
Hindi ko malilimutan ang mga sumunod na yugto
Mga nagkabasag basag na salamin ay nabuo
At umaagos na luha sa kanyang matay natuyo
Bakit hindi kumikibo di naman nagbibiro
Ako'y kanyang minasdan tingi'y hindi lumiliko
Bigla kong naalala ang sigawan at ang tulakan
Parang balong puno ng tubig lahat ay natandaan

Kung maibabalik ko lang ang takbo ng panahon
Kung ang matatanaw ko ay ang hinaharap sa paglingon
Kung maibabalik ko lang ang takbo ng panahon
Sasabihin ko na minamahal kita
Alas kwatro ng madaling araw ay umuwing lasing
Dinadaan daanan lang kita't hindi pinapansin
Hindi mo na kayang tiisin parang mata na may puwing
Nang ako'y iyong tanungin aking paningin ay nag dilim

Parang malapot na dura ang lumabas na salita
Aking sagot sa iyong tanong ay kumikirot na pasa
Ako'y lumayas tumakas maangas ang pagmumukha
Na parang ahas matalas ang malas kapag tumuka
Halos wala nakong buhay nang ako'y datnan sa ospital
Gusto lo lang malaman mo kung pwede lang mangumpisal
Paano magumpisa aminin bawat isa
Pagtalikod sa pangako natin sa isa't isa

Sating pag sasama ika'y aking isinantabi
Ngunit sa kabila ng lahat ika'y nasaking tabi
Mahirap o madali, umaga man o gabi
Ang ako'y napagsilbihan hindi ka nagmamadali
Alam kong lahat ng nagawa ko sa iyo'y kabaliktaran
Ng tunay kong naramdaman para sa iyo nasayang lang
Nais ko mang malaman mo ngunit lahat ay huli na
Bago masabi ako'y nalagutan ng hininga

Kung maibabalik ko lang ang takbo ng panahon
Kung ang matatanaw ko ay ang hinaharap sa paglingon
Kung maibabalik ko lang ang takbo ng panahon
Sasabihin ko na minamahal kita
Sasabihin ko na minamahal kita

Playlists relacionadas Ver mais playlists

Momentos

O melhor de 3 artistas combinados