Salamat

Momoland

Kung ito man ang huling awiting aawitin
Nais kong malaman mong ika'y bahagi na ng buhay ko
At kung may huling sasabihin
Nais kong sambitin, nilagyan mo ng kulay ang mundo

Kasama kitang lumuha
Dahil sa'yo ako'y may pag-asa

Ang awiting ito'y para sa'yo
At kung maubos ang tinig, di magsisisi
Dahil iyong narinig mula sa labi ko
Salamat, salamat
Ha, yeah, yeah

Sana'y iyong marinig, tibok ng damdamin
Ikaw ay mahalaga sa akin, ang awitin ko'y iyong dinggin
At kung marinig ang panalangin
Lagi kang naroroon, humihiling nang pagkakataon

Masabi ko sa'yo ng harapan
Kung gaano kita kailangan

Ang awiting ito'y para sa'yo
At kung maubos ang tinig, 'di magsisisi
Dahil iyong narinig mula sa labi ko
Salamat, salamat
Ha, yeah, yeaah

Ito na ang pagkakataon
Walang masasayang na panahon
Mananatili ka sa puso ko kailanman
Para sa yo ako'y lalaban, ako'y lalaban

Ang awiting ito'y para sa'yo
At kung maubos ang tinig, 'di magsisisi
Dahil iyong narinig mula sa labi ko
Salamat, salamat

Ang awiting ito'y para sa'yo
At kung maubos ang tinig, 'di magsisisi
Dahil iyong narinig mula sa labi ko
Salamat, salamat
Editar playlist
Apagar playlist
tem certeza que deseja deletar esta playlist? sim não

Momentos

O melhor de 3 artistas combinados