Kailan mali ang pag-ibig Kailan mali ang mag-mahal Kung tinurin pang isang laruan O gawang biro lamang Kailan banal ang pag-sinta Kailan ito nadarama Damdamin ba ang susundin O ang pusong dumaraing
Humahakbang ang sandali Tumatakbo ang panahon Nangangaral ang lumipas At nangangako ang bukas
Kung katuwiran ang mahari Ito ba ay tama o mali Kailan ito mag-pupuri Kailan naman ikukubli Kailan pa, kailan pa
Kailan mali ang pag-ibig Kailan tama ang pag-sinta Kung luha lang ang tanging hatid Kung langit ba'y taglay mo na Kailan pa, oh, kailan pa