Kahapon lamang narito ang saya May dalawang puso, daigdig na kay ganda Sa kanilang mata, mababanaag pa Ningning ng pagsinta ukol sa isa't-isa
Kahapon lamang ay magkahawak pa Sa isang landasin na ngayo'y nagsanga Bagama't may ngiti, balat-kayong saya Magkabalikan pa kaya sila?
Sa kanilang mata mababanaag pa Ningning ng pagsinta ukol sa isa't-isa
Kahapon lamang pag-ibig ay wagas Animo'y batis na 'di magwawakas Ngunit ba't naglayo, hindi na nagkasundo Kahit nagmamahal ang kapwa puso Kahapon lamang pag-ibig ay wagas Animo'y batis na 'di magwawakas Ngunit ba't naglayo, hindi na nagkasundo Kahit nagmamahal ang kapwa puso