Kahapon lamang narito ang saya May dalawang puso, daigdig na kay ganda Sa kanilang mata mababanaag pa Ningning ng pagsinta ukol sa isa't isa
Kahapon lamang ay magkahawak pa Sa isang landasin na ngayo'y nagsanga Bagama't may ngiti, balatkayong saya Magkabalikan pa kaya sila?
Sa kanilang mata mababanaag pa Ningning ng pagsinta ukol sa isa't isa
Kahapon lamang pag-ibig ay wagas Animo'y batis na 'di magwawakas Ngunit ba't naglayo, 'di na nagkasundo Kahit nagmamahalan kapwa puso Kahapon lamang pag-ibig ay wagas Animo'y batis na 'di magwawakas Ngunit ba't naglayo, 'di na nagkasundo Kahit nagmamahalan kapwa puso