Masdan mo ang tawa ng Isang batang naglalaro sa ulan 'Di ba't nakakahawa ang kanyang tuwa, pati sigla Tingnan mo ang mata ng Isang dalagang natututong magmahal Lipad ng ibon at patak ng pag-ulan, minamasdan
Kay rami-raming mga bagay sa buhay na ito Na nagbibigay-awit at kulay sa mundo Buksan ang bintana 'pag dumungaw sa kabuhayan
Pakinggan ang tinig ng Mang-aawit sa una niyang pagtanghal 'Di ba't tila naririnig ang pagtibok ng puso niya Pagmasdan ang luha ng Isang lumpo na natututong tumayo 'Di ba't akala mo'y 'pagkailanman na siyang nakatayo
Kay rami-raming mga bagay sa buhay na ito Na nagbibigay-awit at kulay sa mundo Buksan ang bintana 'pag dumungaw sa kabuhayan
Pakinggan ang tangis ng Isang sanggol na bagong silang sa mundo 'Di ba't ito ay tila awit ng buhay at kulay Pati na rin pag-asa
Masdan Tingnan Ang buhay Masdan, tingnan ang daigdig ng buhay mo Masdan ang buhay