Ngayong Pasko Naaalala ka at hinahanap-hanap ng puso kong lumbay Hanap-hanap ng mga nagdaang Paskong nakasama ka O, kay sayang lubos
Sana ay 'di ka na lang lumayo 'Di na sana naulila itong puso ko Sabik na ang damdamin ko na mayakap ka At mahagkan, tulad ng Paskong nagdaan
Mga simbang gabi na sabay nagpunta Mga aguinaldong para sa isa't isa Ngayon mo pa iniwan ang pusong ito Ngayong panahon ng Pasko
Aking dasal Sana ngayong Pasko ay magbalik na sa piling ko At habang buhay, tila magkalayo at laging kasama ka Tulad ng paskong nagdaan
Sana ay 'di ka na lang lumayo 'Di na sana naulila itong puso ko Sabik na ang damdamin ko na mayakap ka At mahagkan ngayong Pasko Sana'y magtagpo ngayong Pasko Ngayong Pasko, tulad ng paskong nagdaan